Nagtipon tipon sa Camp Crame ang mga pinuno ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno para ipagdasal ang malinis at payapang barangay at sangguniang kabataan elections sa Mayo 14.
Kabilang sa mga dumalo sa national day of prayer sina PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, COMELEC Acting Chairman Al Parreño at AFP Chief Lt. Gen. Carlito Galvez.
Lumagda rin sila sa kasunduan upang tiyaking magiging tagumpay ang halalan.
Ayon kay Albayalde, kailangan ng divine intervention lalo’t may 21 ng namamatay dahil sa mga karahasang may kinalamaan sa eleksyon.
Nananawagan naman si Albayalde sa mga kandidato at kanilang mga taga-suporta na maging mahinahon at tumulong na idaos ng payapa ang halalan.