Magsasanib puwersa ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para matiyak ang disenteng bahay sa bawat pamilyang Pilipino.
Kasunod na din ito nang paglulunsad ng Pag-ibig Fund, Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC at iba pang shelter agencies ang BALAI Filipino Program o Building Adequate, Livable, Affordable and Inclusive Filipino Communities.
Ang nasabing programa ay naglalayong tugunan ang kakulangan sa pabahay sa bansa.
Ayon kay HUDCC Chair Eduardo del Rosario, target nilang magtayo ng dalawandaan at limampung libong (250,000) kabahayan taon-taon sa susunod na limang taon.
Tiniyak ni Del Rosario na hindi maliliit at matitibay pa ang mga itatayo nilang bahay na kakayanin ang malalakas na hangin maging ang magnitude 7.2 na lindol.
Key shelter agencies launch BALAI (Building Adequate, Livable, Affordable and Inclusive) Filipino Communities @dwiz882 pic.twitter.com/nvVTmhRef1
— Jonathan Andal (@JonathanAndal_) October 18, 2017