All systems go na ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa kanilang paghahanda sa paggunita ng mga Semana Santa o Holy Week.
Ito’y ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Benigno Aquino III na tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa mga panahong ito.
Ilan sa mga ahensyang nakatutok sa pagbibigay alalay sa publiko ay ang DPWH, DOTC, MMDA at DOH.
Sinabi pa ni Coloma, patuloy din ang isinasagawang inspeksyon sa mga terminal ng bus, paliparan at pantalan para tiyaking nasa ligtas na kundisyon ang mga pampublikong sasakyan.
Sa huli, muling pinaalalahanan ni Coloma ang publiko na maging maingat at ipagbigay alam sa mga kinauukulan ang mga pangyayaring kanilang mahaharap sa paglalakbay.
By Jaymark Dagala