Muling nanawagan ang pamahalaan sa publiko na maging laging naka-alerto sa kasagsagan ng paggunita ng sambayanan sa mga mahal na araw o Semana Santa.
Kasunod nito, plantsado na rin ang paghahanda ng iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan para sa nasabing okasyon partikular na ang pagtitiyak sa seguridad.
Samantala, muli ring pinaalalahanan ng PNP ang mga magbabakasyon sa mga lalawigan lalo na ang mga motorista na laging tandaan ang blowbagets o ang batteries, lights, oil, water, breaks, air, gas, engine, tools at self o sarili para maka-iwas sa disgrasya sa daan.
Apela naman ng MMDA ang mga motorista na panatlihin ang disiplina sa lansangan upang maiwasan ang anumang aksidente at matiyak na ligtas ang kanlang biyahe.
Magpapatupad din ang MMDA ng no day off, no absent policy sa kanilang mga tauhan para makatulong sa pagmamando ng trapiko lalo na sa Miyerkules Santo kung saan inaasahang dagsa na ang mga magsisipagbiyahe pauwi sa mga lalawigan.
Paalala naman ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Philippine Ports Authority (PPA) sa mga uuwi sa lalawigan na iwasang magdala ng marami at mamahaling gamit sa kanilang pag-uwi.