In-activate na ng Office of Civil Defense (OCD) ang Alert Level Charlie hanggang Alpha sa ilang rehiyon sa bansa dahil sa posibleng epekto ng bagyong Kristine.
Kabilang sa mga itinaas sa Alert Level Charlie ng dahil sa pagiging high-risk areas ang Cagayan Valley; Central Luzon; Calabarzon; Mimaropa; Bicol Region; Cordillera Administrative Region; at Eastern Visayas.
Samantala, itinaas naman ang Bravo Protocol sa Ilocos Region at Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao (BARMM).
Nilagay naman sa Alert Level Alpha ang National Capital Region; Western Visayas; Central Visayas; Zamboanga Peninsula; Northern Mindanao; Soccsksargen; at Caraga.
Kaugnay nito, isinailalim naman ng OCD ang Bicol Region at Cagayan sa Red Alert Status dahil sa maaaring maging epekto ng sama ng panahon sa mga nasabing lugar.