Pormal nang inilunsad ng lokal na pamahalaan ng baguio ang Ibagiw Festival 2022.
Sinimulan ito noong November 12 partikular sa Baguio Convention and Cultural Center, Venue ng Grand Opening para sa isang buwang selebrasyon.
May tema ang pagdiriwang na “Locally Creative, Globally Competitive,” na magbubukas ng maraming events, artistic exhibits at performances para sa lahat ng local residents, turista at bisita.
Ang opening ceremony ngayong taon ay napuno ng creative festival sa pamamagitan ng “Divergence & Convergence” – isang theatrical performance na ginawa ng mga artists mula sa Baguio Creative City, sa pangunguna ng theatre at film director na si Ferdie Balanag.
Maliban sa grupo, ang iba pang outstanding performances ay kinabibilangan ng The Baguio Metamorphosis and Aloha Dance Company, Ballet Baguio, home: a company of creatives, Ingrid Payaket, Blue Ruins, Karen Navarette- Anton at maraming iba pa.
Mainit namang sinalubong ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga bisitang dumadalo sa selebrasyon.
Maliban sa iba’t ibang performances, ang mga art exhibit naman ay nasa Calderon Street, habang mayroon ding Ibagiw strip sa assumption road.