Nasamsam ng militar ang iba’t-ibang armas sa Barangay Guibo Siayan, Zamboanga Del Norte.
Kabilang dito ang cal. 50mm sniper barrett rifle, M79 grenade launcher at 6 na AK47 na may 14 na magazines at mga bala.
Ayon kay Lieutenant Colonel Manaros Boransing, Commander ng army’s 97th infantry battalion, mula ito armory ng mga rebelde na itinuro ng mga dating miyembro ng main regional guerilla unit ng NPA.
Inamin din ng dating rebelde na apektado ng pandemya at pinaigting na operasyon ng militar ang kanilang pagkain, gamot at iba pang suplay sa kabundukan.
Naiturn-over na ng militar ang mga armas sa Zamboanga Del Norte Provincial Police Office para sa imbestigasyon at firearms remuneration.