Alam niyo bang hindi lamang pampapalinaw ng mata, ang hatid ng pagkain ng kalabasa, sapagkat ito’y nagtataglay ng maraming bitamina sa loob nito.
Kalabasa, madalas ilarawan bilang pampalinaw ng mata, pero bukod doon marami pang bitamina ang makukuha sa pagkaing ito.
Ang kalabasa ay nakakapagpatibay ng buto dahil sa taglay nitong manganese at vitamin c.
Nakakatulong din ang kalabasa na maiwasan ang cancer dahil nilalabanan nito ang iba’t ibang uri ng cells na nagdudulot ng sakit.
Ang nasabing gulay din ay nakakapagpababa ng blood pressure dahil sa taglay na potassium.
Kaya ano pang hinihintay niyo? Kumain na ng kalabasa! - sa panunulat ni Jenn Patrolla