Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) at ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 276 na mga puslit na imported carnivorous plants sa bodega ng Piarcargo sa Pasay City.
Ayon kay Carmelita Tulusan, ang District Collector ng BOC-NAIA, natuklasan ang mga nakumpiskang carnivorous plant matapos nilang suriin ang may 10 package na mula sa The Netherlands subalit walang sanitary at phytosanitary import clearance at cites permit mula sa DENR.
Nagkakahalaga ng 150,000 ang mga nakumpiskang carnivorous plant partikular na ang Drosera, Nepenthes, Dionaea, Sarracenia, Pinguicula At Cephalotous.
Deklaradong critically endangered ang mga nasabat na carnivorous plants kung saan, mahigpit na ipinagbabawal ang pangongolekta at pagbebenta nito salig sa Republic Act 9147 o Philippine Wildlife Conservation and Protection Act.