Dumating na sa Surigao Del Norte ang contingent mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para tumulong sa mga naapektuhan ng 6.7 magnitude na lindol.
Sinabi ni Presidential Communication Secretary Martin Andanar na i-offload na rin ang maraming ayuda sa C-130 plane ng Philippine Air Force mula sa DSWD Manila kaya tuloy-tuloy na ito sa mga mamamayan ng Surigao Del Norte.
Mga contingent mula sa Department of Health at DSWD, gaya ng mga psychiatrist at psychologist, ang gagawa ng debriefing sa mga residenteng naapektuhan o nakaranas ng trauma sa malakas na lindol.
May contingent din, aniya, na ipinadala ang Philippine National Police at Presidential Communications Office para naman sa mga taga Surigao City.
Nagpadala na rin ng tulong tulad ng gamit para sa charging ng cellphone, generator, at mga bottled water ang ilang pribadong kumpanya.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping