Inihayag ng Department of Health (DOH) na malaki ang gagampanan na papel ng iba’t ibang establisimyento at publiko, sakaling ibaba na ng gobyerno sa Alert Level 1 ang Pilipinas.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangang matiyak ng mga establisimyento at ng publiko na patuloy silang susunod sa minimum public health standards sakaling ibaba ang Alert Level sa bansa.
Aniyam, ito ang magiging pundasyon ng kumpiyansa ng gobyerno, para ibaba at panatilihing maluwag ang mga patakaran sa ilang bahagi ng bansa.
Nakasalalay din umano dito ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 o hanggang tuluyan na itong maging endemic.