Hati ang iba’t ibang grupo ng transportasyon kasunod ng binabalak na LTFRB o Land Transporation Franchising and Regulatory Board na maglagay ng fixed pay sa mga tsuper ng pampasaherong jeep.
Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, makabubuti sa mga tsuper ang naturang panukala at makatutulong pa ito para mabawasan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Tinutulan naman ito ni Ka George San Mateo, pangulo ng grupong PISTON.
Ayon kay san Mateo, posibleng tumaas ang singil sa pasahe kung matutuloy ang panukalang ito ng LTFRB at maari lamang aniya ito kung ang gobyerno ang syang may – ari ng mga ilalabas na bagong jeep.
Siniguro naman ng LTFRB na kanilang pakikinggan ang sentimyento ng mga tsuper ukol sa naturang panukala.
By Rianne Briones