Nagsimula nang magdatingan ang iba’t ibang heads of state kasama ang mga delegado nito na dadalo sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.
Unang dumating sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA si Vietnam President Truong Tan Sang na sinundan naman ni US President Barack Obama.
Sinundan naman ang mga ito nila South Korean President Park Geun Hye, Australian Prime Minister Malcolm Tumbull, Hong Kong Chief Executive Leung Chun Ying, Chinese President Xi Jinping, Mexican President Enrique Penia Nieto at Malaysian Prime Minister Najib Razak.
Sinalubong ang mga nabanggit na heads of state ng mga nakatoka sa kanilang miyembro ng gabinte gayundin ng kaniya-kaniyang embahador na nakatalaga sa Pilipinas at sa mga nasabing bansa.
Inaasahan naman darating ngayong hapon sila bagong Canadian Prime Minister Justin Trudeau, New Zealand Prime Minister John Key, Japanese Prime Minister Shinzo Abe, Thailand Prime Minister Prayuth Chan-Ocha at Hassanal Bolkia ng Brunei Darussalam.
Inaasahan din ang pagdating nila Indonesian Vice President Jusuf Kalla at Russian Prime Minister Demetry Medvedev bilang kinatawan nila Indonesian President Joko Widodo at Russian President Vladimir Putin na kapwa nagpahayag ng hindi pagdalo sa nasabing pagtitipon.
By Jaymark Dagala | Raoul Esperas (Patrol 45)