Nangangamba ang iba’t ibang tribu sa Surigao Del Sur na manumbalik ang gutom at kahirapan sa kanilang lugar sa sandaling tuluyan nang maipasara ang mga minahang nagooperate sa kanilang lugar.
Ito ang dahilan kaya’t nagpadala ng liham ang anim na Chieftain o Datu ng tribung Manobo para hilingin sa makapangyarihang commission on appointments na huwag kumpirmahin si Environment Secretary Gina Lopez.
Kabilang sa mga lumagda sa nasabing liham sina Datu Engwan Ala; Datu Ryan Huniog; Datu Benjamin Adjawon; Datu Escobal Angeles at Datu Benjamin Tindogan Sa Madrid.
Giit ng mga Datu, posible anilang magtulak ito sa kanilang mga katribu na umanib sa mga kalaban ng estado o kaya’y gumawa ng krimen tulad ng pagnanakaw, kidnapping, illegal drugs at illegal logging.
Magugunitang mismong ang mayorya ng mga Manobo kasama ang mga environment groups ang nagsusulong para makumpirma si Lopez bilang kalihim ng DENR o Department of Environment and Natural Resources.
By Jaymark Dagala