Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa PhlPost Central Mail Exchange Center ang ibat-ibang klase ng produktong galing Canada.
Kabilang sa mga nasabat ang 20 pouch ng cannabis-infused gummy candies, 49 na tetrahydrocannabinol (THC) vape cartridges, chocolates, cosmetics at mga damit.
Ayon sa mga otoridad, idineklara itong “personal goods and clothing,” pero agad ding nadiskubre sa physical examination ng BOC officials.
Nabatid na isang “Elvira Vicente,” ang agad na inaresto matapos magpresinta umano ng authorization letter galing sa isang “Vincent Castillo” upang matanggap ang naturang package.
Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act ang kasong kakaharapin ni Vicente habang ipadadala naman sa chemical laboratory ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nadiskubreng kargamento. —sa panulat ni Angelica Doctolero