Armas, shabu at cash
Ito ang mga narekober ng mga otoridad sa isinagawang raid sa bahay ng napaslang na mag-asawang Melvin at Meriam Odicta sa Iloilo city
Ang raid ay base na rin sa search warrant na inisyu ng Korte kung saan subject ng operasyon ang anak ng mag-asawang Odicta na si Melvin ‘Vin Vin’ Jr.
Kabilang sa mga narekober sa naturang bahay ang isang Caliber 22 at Caliber 45, labing siyam na hinihinalang shabu at P 400,000 cash.
Binitbit din ng mga otoridad ang isa pang anak ng mga Odicta na si Daryll at abogado ng pamilya na si Atty. Marvin Lumbo matapos kuwestyon ang pagkuha kay Daryll na hindi naman umano drug personality.
By Judith Larino