Inimbitahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa isang diyalogo ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa sa Martes, Oktubre a-13.
Ito ay upang talakayin ang isinasaad sa Implementing Rules and Regulation (IRR) ng presidential decree 851 kung saan maaring ipagpaliban ng mga kumpanyang “in distress” ang pagbibigay ng 13th month sa kanilang mga manggagawa.
Ayon Kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kabilang din sa kanilang inimbitahan ang grupo ng mga employers, kinatawan ng Department of Trade and Industry at National Labor Relations Commission (NLCR).
Sinabi ni B ello, pangunahin nilang tatalakayin ang pamantayan para masabing “in distress” ang isang negosyo o kumpanya at gagamiting panuntunan sa ipalalabas na abiso ng DOLE.
Pag-uusapan namin kung anong ibig sabigin ng ‘in distress’. When will a company considered in distress, ngayon kapag magkaroon ng consensus magpapalabas na po ang Department of Labor and Employment ng advisory na nagsasabi na ito ang kompanya na masasabi natin na in distress and therefore it is exempted from paying ‘yung 13th month pay. Pero otherwise the general rule is dapat bayaran ang 13th month pay. ani Bello
Binigyang diin naman ni bello na tuloy pa rin ang pagbibigay ng 13th month pay ng mga kumpanya bago ang Disyembre a-25, maliban na lamang kung may pag-uusap o kasunduan ang employer at mga manggagawa para ipagpaliban ito.
Ang 13th month pay ay labor standard na hindi pwedeng maiwasan. Sa makatuwid pagdating ng December 24 or even before that kailangan bayaran ng ating employers at hindi po pwedeng i-postpone po ‘yan maliban kung may private agreement ‘yung employer at employee. Kung mag-uusap sila na [ i-adjust ang pagbibigay ng 13 month] kung pumayag ‘yung worker ok or otherwise kailangan bayaran. ani Bello — panayam sa Todong Nationwide Talakayan