Nagpaabot ng pakikisimpatya ang iba’t ibang mga bansa sa Pilipinas matapos tumama ang magnitude 7 na lindol sa abra kahapon ng umaga na nagresulta ng pagguho ng mga gusali at mga bahay.
Nawasak din ang mga sasakyan, puno at mga kalsada dahilan para maapektuhan ang libu-libong indibidwal sa nabanggit na lugar.
Kabilang sa mga nagpaabot ng panalangin at pakikiisa ay sina United States of America Ambassador to the Philippines Marykay Carlson; China Ambassador to the Philippines Huang Xilian; at Japan Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa.
Sa kabila nito, tiniyak ng tatlong nabanggit na bansa ang kanilang tulong at suporta sa mga naapektuhan ng lindol partikular na sa cordillera Administrative Region gayundin sa rehiyon ng Ilocos.