Paiigtingin ng National El Niño team, ang ibat-ibang programa na makakatulong para mabawasan ang epekto ng El niño phenomenon o matinding tag-tuyot sa bansa.
Kasunod ito ng naging pahayag ng PAGASA Weather Bureau, kaugnay sa Typhoon Mawar na inaasahang papasok sa bansa ngayong linggo at papangalanang si bagyong Betty.
Kaugnay nito, nakaalerto na ang mga ahensya ng gobyerno kabilang na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council mga regional counterparts, regional directors, maging ang iba’t ibang local government units, para ipatupad ang emergency preparedness at response protocols kabilang na ang dissemination of warnings, preparation of relief assistance, deployment ng rescue teams at iba pa.
Bukod pa dito, naghanda narin ang Department of Social Welfare and Development, Disaster Response Centers, National Resource Operations Center at ang Visayas Disaster Resource Center, nang halos 910,000 family food packs na nakatakdang ipamahagi sa mga lugar na tatamaan ng naturang bagyo.
Tiniyak naman ng NDRRMC ang 24-hours operation bilang na ang pagpapaigting sa pag-momonitor ng lagay ng panahon at kahandaan sakaling manalasa ang bagyo mawar sa bansa.