Tinatayang aabot sa humigit kumulang na 60,000 ang magbabantay sa paligid at loob ng mga sementeryo sa buong bansa ngayong panahon ng Undas.
Ito ang inihayag ni Senior Supt. Adel Castillo, kinatawan ng PNP sa ginawang pagpupulong ng technical working group ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Sinabi ni Castillo, kinabibilangan ang mga ito ng may 40,000 pulis at makakatuwang nila rito ang iba pang force multipliers tulad ng mga barangay tanod.
Samantala, magsasagawa ng safety inspection ang Bureau of Fire Protection o BFP sa mga himlayan at magtatalaga sila ng tauhan para umalalay sa mga lansangan gayundin ang kanilang medical teams.
May standby force din ang Armed Forces of the Philippines na siyang aalalay sa mga pulis sakaling kailanganin ng dagdag puwersa na tututok sa seguridad sa Manila North Cemetery at libingan ng mga bayani na siyang pinakamalaki sa Kamaynilaan.
By Jaymark Dagala