Nadagdagan pa ang mga grupong nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Partido Federal ng Pilipinas Standard-Bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ito’y matapos lagdaan ng ilang lider ng iba’t ibang samahan ang isang manifesto na naglalayong tiyakin ang tagumpay ni BBM sa darating na May 9, 2022 national elections.
Ilan sa mga samahang dumalo sa pulong na ipinatawag ni Col. Erik Bautista, dating hepe ng Makati Public Safety Department (MAPSA), ay ang mga pinuno ng Matrifed na Asosasyon ng mga Tricycle Drivers; ang United Transport Federation of Makati (UTFM) na samahan ng mga jeepney drivers at operators; pedicab association; Knight Riders Nation (KRN); at iba pang market vendors association.
Dumalo rin sa meeting ang mga pinuno ng Alpha Phi Omega Makati Chapter; Tau Gamma Phi Makati Chapter; Alpha Kappa Rho Makati Chapter; Guardians Makati Chapter; Asap Makati Chapter; at Lex Leonum Fraternitas, isang grupo ng volunteer-lawyers na sumusuporta kay Bongbong.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff at tagapagsalita ni Marcos, na siya ring naging panauhing pandangal sa isinagawang pagpupulong sa Pasig City nitong nakalipas na linggo.
Ayon kay Rodriguez, ang ‘overwhelming’ na suporta na ibinibigay ng iba’t ibang grupo at samahan ay lalong nagpapatibay at nagpapalakas sa panawagang pagkakaisa ni marcos na siyang magiging daan sa pagbangon ng bansa.