Nagsimula nang maghatid ng tulong ang iba’t ibang sektor sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Maliban naman sa Malacañang na naglaan ng higit P12 milyong pondo, inihahanda na rin ng ACT-CIS Partylist ang ayuda nito para sa libu-libong mga residente sa Cavite at Batangas.
Pahayag ni Cong. Eric Yap, handang-handa na silang maghatid ng mga food packs at iba pang assistance na kakailanganin ng mga kababayan natin sa mga nasabing probinsya.
Sinabi ni Yap na makikipag-ugnayan sila sa mga lokal na pamahalaan at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang matukoy ang mga critical areas na prayoridad nilang hatiran ng ayuda sakaling tuluyang sumabog ang bulkan.
Maliban sa preemptive evacuation, todo-bantay din naman ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan alinsunod sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na maghanda na bago pa lumala ang sitwasyon.