Nasamsam ng militar ang iba’t ibang klase ng armas at pampasabog sa kanilang ikinasang operasyon sa Tanay, Rizal.
Batay sa ulat, narekober ng 80th Infantry Battalion ang tatlong (3) armas, limang (5) granada at isang (1) rifle grenade na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Batangasan, Barangay San andres noong Mayo 16.
Ayon kay Brigadier General Arnulfo Marcelo Burgos Jr., commander ng 202nd Infantry Brigade, nakuha ang mga nasabing pampasabog sa tulong ng mga sumukong rebelde na aktibong nakikilahok sa operasyon ng militar.
Dagdag ni Burgos, layunin ng kanilang ikinakasang operasyon ang matigil na ang ginagawang pangingikil ng mga rebelde sa mga taga-Tanay.