Nasamsam ang ibat-ibang uri ng kagamitan matapos salakayin ng mga otoridad ang Bureau of Immigration Detention Center sa Taguig City.
Kabilang sa mga narekober ang ilang mga gadgets, alcoholic beverages, kitchen knives, scissors, screwdrivers, hammers, pliers, iba pang uri ng deadly weapons at gambling paraphernalia.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang pag-raid o pagsalakay ay bahagi ng kanilang surprise random inspection upang matiyak na ang bawat mga pasilidad ay nananatiling drug-free.
Sa ngayon, nasa pag-iingat na ng Immigration officials ang mga nakumpiskang kagamitan para isailalim sa imbestigasyon. —sa panulat ni Angelica Doctolero