Nanawagan si Health Committee ‘Bong’ Go sa mga Pilipino na magpatupad na pag-iingat laban sa Covid-19 ngayong bisperas ng Pasko.
Ayon kay Go, delikado pa rin ang panahon lalo na sa mga vulnerable sector at hindi pa kumpleto ang bakuna.
Huwag anya maging kampante sa Covid-19 kahit lumuwag ang restrictions at health protols.
Giit pa ni Go, huwag maging kumpiyansa sa halip unahin ang kalusugan ng bawat isa.
Nauna nang sinabi ng Department of Health na posibleng pumalo sa mahigit na 4,000 ang arawang kaso ng Covid-19 ngayong holiday season. —sa panulat ni Jenn Patrolla