Dismayado ang ilang Doctors to the Barrios (DTTB) sa Western at Central Visayas sa kautusan ng Department of Health (DOH) na deployment ng rural health physicians sa Cebu City para manatiling sapat ang health system capacity nito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Tinawag ng mga nasabing doktor na mapagsamantalang kautusan ang ibinaba ng DOH dahil hindi anila ito dumaan sa tamang proseso.
Tulad ng pormal na sulat walang ginawang konsultasyon sa mga stakeholders ang DOH na hindi rin nagbigay ng guidelines kaugnay ng deployment.
Nakasaad sa DOH order simula June 30 hanggang September 5 ay magre-report sa Cebu City ang DTTB’s mula Region 6 samantalang June 26 hanggang June 30 ang deployment ng Region 7 DTTB’s sa lungsod.
Binigyang diin ng mga doktor na taliwas sa kanilang mandato bilang DTTB ang utos ng DOH dahil kaya nilang maabot ang target ng ahensya na pag-decongest sa mga ospital sa pamamagitan ng tulong medikal sa kani-kanilang komunidad
Dahil dito umapela ang DTTB’s sa doh na irekonsider ang nasabing kautusan kasabay ang kahilingan sa DOH regional offices sa Regions 6 at 7 na magkasa ng dialogue sa kanilang rural health physicians at mga apektadong munisipalidad.