Ikinatuwa ng tanggapan ng ikalawang pangulo ang inilabas na desisyon ng Korte Suprema hinggil sa ibinasurang electoral protest ni dating Senador Bonbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Sa isang pahayag, sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Guttierez na ang naturang desisyon ay patunay lang anila na ang kanilang kampo ang tunay na nanalo noong 2016 election.
Mababatid sa 91 pahinang desisyon ng Korte Suprema na pirmado ni Associate Justice Marvic Leonen, na bigo si Marcos na patunayan ang kanyang akusasyon na nandaya si Robredo.
Kasunod nito, binigyang diin ng kampo ni Robredo na sapat at malinaw na batayan ang kautusan na walang naganap na dayaan noon.