Makatutulong sa ginagawang hakbang ng ating pamahalaan na maging ligtas ang ating mga kababayan at maprotektahan laban sa banta ng terorismo ang ibinibigay sa atin na military hardware ng ibang bansa.
Ito ang inihayag ni Senador Panfilo Lacson makaraang magdonate ang Estados Unidos ng weapons system na nagkakahalaga ng $18-milyon na gagamitin sa paglaban sa Islamist militant sa Mindanao.
Giit ni Lacson, anumang military assistance mula sa mayayamang bansa tulad ng Estados Unidos, tulad ng highly technologically capable military hardware ay makapagpapalakas sa pagsusumikap ng ating security forces na malabanan ang banta ng terorismo para sa kaligtasan ng publiko.
Una rito, tinanggap ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teddy Boy Locsin ang precision guided munitions or smart bombs mula kay US National Security Advisor Robert O’Brien. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)