Dumami ang volcanic sulfur dioxide gas emission sa Taal Volcano.
Ayon sa PHIVOLCS, umabot sa 12,125 tonnes ang volcanic sulfur dioxide gas emission mula sa bulkan kahapon ng umaga.
Naobserbahan ng PHIVOLCS ang pagdami ng sulfur dioxide simula noong July 15 habang ang “increased degassing” ay namataan sa pamamagitan ng pag-akyat ng usok sa main crater lake sa nakalipas na tatlong araw.
Inaasahan din ang airborne volcanic gas na dadako sa Northwest ng Taal Volcano Island Base habang ang volcanic smog sa Western Taal Caldera ay napaulat na mabigat sa mga bayan ng Laurel at Barangay Banyaga, Agoncillo sa Batangas.
Samantala, napaulat din ang pag-alingasaw ng asupre sa Tagaytay City at Bugaan East sa bayan ng Laurel, Batangas.
Inabisuhan na ng PHIVOLCS ang mga residente na limitahan ang exposure sa smog, partikular ang mga may hika at iba pang sakit sa baga at puso.