Inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na halos dumoble ang ibinibugang sulfur dioxide ng bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa PHIVOLCS, umabot sa 1,155 na toneladang sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan kumpara sa naitalang 632 noong July 6.
Naitala naman ang limang volcanic earthquakes sa bulkang Bulusan.
Habang umabot sa 100 metro ang taas ng singaw nito na patungong Hilaga-Hilagang Kanluran.
Samantala, muling nagpaalala ang PHILVOLCS na nananatiling nasa Alert Level 1 at posible pa rin ang biglaang pagputok o phreatic explosion sa nabanggit na bulkan.