Dapat na nakabase sa batas at aktuwal na sitwasyon ng local medical workforce ang pansamantalang suspensyon ng deployment ng Pinoy health workers sa ibayong dagat.
Binigyang diin ito ni Atty. Domingo Egon Cayosa, pangulo ng IBP Integrated Bar of the Philippines kayat dapat tukuyin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang batas na nagpapahintulot sa nasabing suspensyon gayundin ang data na magpapatunay na kailangan talaga ng workforce dito sa bansa.
Ayon kay Cayosa, uubrang gamitin muna para tumutok sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga health workers sa mga ospital sa bansa na nagta trabaho bilang non covid medical workers.
Kailangan din aniya ang serbisyo ng Pinoy medical workers sa ibayong dagat dahil na rin sa pandemic kayat hindi makatuwirang gipitin ang mga ito lalo pat kung sapat naman ang bilang ng nurses sa bansa.