Hinamon ng Integrated Bar of the Philippines o IBP ang Department of Justice o DOJ na maging transparent ito at ilabas ang mga inmate na nakatakdang mapalaya dahil sa “good conduct”.
Ito’y matapos mapaulat ang posibleng paglaya ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez makaraang mapabilang sa magbebenepisyo ng good conduct time allowance sa kabila ng 7 life sentences.
Ayon kay IBP President Domingo Egon Cayosa, maging ang naging kinalabasan ng ebalwasyon at computation umano sa “good conduct” ay dapat ding isapubliko.
Si Sanchez ay na-convict sa kasong rape at murder kay Mary Eileen Sarmenta at pagpatay din sa nobyo nitong si Allan Gomez na kapwa estudyante ng UP Los Baños.