Dumulog na ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) para sa proteksyon ng mga hukom at iba pang abogado sa bansa.
Ayon kay Atty. Domingo Egon Cayosa, pangulo ng IBP, nagpadala na sila ng draft ng memorandum of agreement sa AFP at PNP para sa plano nilang lawyers security program.
Nakapaloob anya rito ang pagtatatag ng hotline para sa mga abogado, IBP, AFP at PNP upang maging mabilis ang koordinasyon.
Hiniling rin ng IBP ang tulong ng AFP at PNP na magsagawa ng training para sa personal security ng mga abogado at i-monitor ang lagay ng mga nakabinbing pang kaso ng pagpatay sa mga hukom o abogado.
Pinakahuling napatay sa pananambang si Judge Mario Anacleto Baniez ng Tagudin Ilocos Sur.