Tinutupad lamang ng Commission on Audit (COA) ang tungkulin nitong punahin ang mga kakulangan sa paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Ayon sa Integrated Bar of the Philippines (IBP), mandato ng komisyon na bantayan ang pondo at wala namang malisya ang kanilang report na naka-base sa mismong sariling record ng gobyerno.
Ipinunto ng IBP na anumang impresyon o bahid ng korapsyon ang lumutang sa report ng COA ay hindi na ito kasalanan ng mga auditor.
Idinagdag pa ng IBP na nagsumite na lamang sana ng mga dokumento ang Department of Health sa halip na batikusin ang mga auditor ng COA. —sa panulat ni Drew Nacino