Nag alok ng tulong ang IBP o Integrated Bar of the Philippines para sa information campaign sa Charter Change.
Ayon kay IBP Vice Chairman Domingo Cayosa handa ang 85 chapter ng IBP para mabigyang linaw sa publiko ang magkakasalungat na punto sa Cha Cha.
Sinabi ni Cayosa na sakaling matuloy ang pag amiyenda sa konstitusyon dapat na masilip kung paano mapapalakas at mapapabilis ang justice system.
Bukod pa ito aniya sa posibilidad na mapayagang makapag practice sa bansa ang foreign lawyers na aniyay naaayon na rin sa kasalukuyang panahon.
Ipinabatid pa ni Cayosa na isinusulong din nilang gawing self explanatory ang mga probisyon sa konstitusyon at kung may consensus ng federal system ay dapat palakasin ang political system.