Umaapela ng transparency ang IBP o Integrated Bar of the Philippines sa anti illegal drugs campaign ng Gobyernong Duterte.
Partikular dito yung mga operasyon sa kalagitnaan ng Agosto kung saan kabilang sa mga napatay ang 17 anyos na si Kian Loyd Delos Santos.
Ayon kay IBP humingi na sila ng kopya ng pre operation at spot report sa PNP kaugnay sa mga isinagawang One Time big Time Operations mula August 13 hanggang 20 kung saan 91 ang nasawi mula sa National Capital Region, Bulacan at Cavite.
Sinabi ng IBP na posibleng ang kaso ni Kian ay hindi isolated o may iba mpang kahalintulad na insidente kung saan ang suspek ay hindi naman nanlaban subalit itinumba pa rin ng PNP.
By: Judith Larino / Bert Mozo
SMW: RPE