Bumuo si Pangulong Rodrigo Duterte ang isang ICAD o Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs na naglalayong mapangasiwaan ang mga hakbang ng gobyerno laban sa droga.
Alinsunod ito sa executive order (EO) No. 15 na nilagdaan ng Pangulo noong Marso 6.
Sa ilalim ng EO, pamumunuan ng PDEA ang ICAD, na bubuuin naman ng mga miyembro mula sa 20 ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines.
Inaatasan din nito ang pagsasagawa ng operasyon at pag-aresto sa mga high-value drug personalities at street-level na mga tulak at gumagamit ng iligal na droga.
By Meann Tanbio