I-aatras na ni Atty. Jude Sabio ang kanyang isinampang kasong crime against humanity laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Kaugnay ito ng mga umano’y mga paglabag sa ilalim ng kampanya kontra illegal droga ng pamahalaan.
Ayon kay Sabio, nakatakda siyang magtungo ng ICC para personal na isumite ang kanyang sulat na humihiling ng withdrawal ng kanya ICC communication kay Prosecutor Fatou Bensouda.
Mahigpit din aniyang hihilingin na isantabi o maibasura ang nabanggit na kaso dahil bahagi lamang aniya ito ng political propaganda nina dating Senador Antonio Trillanes, Senadora Leila De Lima at ng oposisyon.
Iginiit ni Sabio, hindi niya nais maging mabahagi ng nabanggit na political propaganda.
Si Sabio ang tumayong ng dating pulis at umaming hitman ng Davao death squad na si Edgar Matobato.