Maaaring isilbi at gamitin ng International Criminal Court (ICC) ang kanilang hatol kay Pangulong Rodrigo Duterte, nasa posisyon pa man ito o nagbalik na bilang ordinary citizen.
Ito ang inihayag ni retired Senior Associate Justice Antonio Carpio matapos matanong hinggil sa saklaw ng kasong crime against humanity na inihain laban kay Pangulong Duterte sa ICC.
Ayon kay Carpio, may ilang mga heads of state na ang hinatulan ng ICC kahit wala na ang mga ito sa puwesto.
Dagdag ni Carpio, maaaring maging mabilis o tumagal ang paglalabas ng hatol ng ICC.
Magugunitang noong Martes, inanunsiyo ni Atty. Jude Sabio ang pag-withdraw sa kanyang inihaing crimes against humanity case laban kay Pangulong Duterte kaugnay sa kampanya kontra illegal na droga.