Uubra pa ring makakuha ng mga ebidensya ang ICC investigators kaugnay sa war on drugs ng Duterte administration, kahit hindi magtungo ng Pilipinas.
Ito ang paniniwala ni Atty. Kristina Conti, abogado ng rise up, isang grupo ng mga kaanak ng mga biktima sa nasabing drugs campaign.
Sinabi ni Conti na maaari namang makatulong o makapagbigay ng mga ebidensya ang mga grupo ng mga abogado sa imbestigasyon ng ICC.
Puwede naman aniya silang magkita o magkausap ng ICC investigators virtually kung saan maaari rin nilang maisumite ang mga hawak na ebidensya sa drugs war campaign ng administrasyon.