Suportado ni Senador Antonio Trillanes IV ang inilabas na editoryal ng prestihiyosong New York Times na dapat pigilan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Giit ni Trillanes, may sapat naman aniyang ebidensya na makapagpapatunay na nilabag nga ng Pangulo ang karapatang pantao lalo’t libu-libo na ang napapatay sa ilalim ng kampaniya kontra iligal na droga.
Mismong si Pangulong Duterte na aniya ang nagdeklara ng policy of killings dahil hinihikayat pa nito sa halip na pigilan ang mga patayan sa ilalim ng pinaigting na kampaniya.
Pagbabanta pa ni Trillanes, tiyak na papasok na ang ICC kapag napatunayang ni-railroad ng dalawang kapulungan ng Kongreso na kapwa hawak ng administrasyon ang inihaing impeachment complaint laban sa Pangulo.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno