Posibleng mahirapan ang International Criminal Court (ICC) na mailabas ang katotohanan sa anti-illegal drug campaign ng administrasyong Duterte.
Ito’y ang inihayag ni presidential spokesperson Harry Roque, sakaling hindi magkaroon ng kooperasyon ang mga nasa likod ng umano’y paglabag sa karapatang pantao ay mahihirapang makakalap ng ebidensya ang mga prosecutor ng ICC.
Samantala, tiniyak ni Roque na kapag natapos ang naturang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) ay kanila itong isasapubliko.
Magugunitang sinabi ng Malakanyang na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pangulo dahil noong 2019 ay umalis na ang bansa sa Rome Statute na nagtatag ng ICC na walang aasahang kooperasyon ang mga prosecutor ng ICC mula sa ating panig.