Tatalakayin muna ng International Criminal Court ang hirit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na interim release o pansamantalang paglaya sa detention center sa The Hague, Netherlands.
Ayon kay ICC Spokesman Dr. Fadi El Abdallah, may mga kondisyon munang kailangang matupad bago payagan ng ICC ang interim release ng isang akusado.
Gayunman, patuloy na umaasa ang legal team ni Duterte na ipagkakaloob ng korte ang hirit na pansamantalang paglaya ng dating pangulo.
Nanindigan naman ang ICC na may hurisdiskyon sila sa pilipinas kahit pa kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statue.