Malaking insulto sa sangay ng hudikatura kung papasok na sa imbestigasyon ang International Criminal Court o ICC sa mga umano’y kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga awtoridad.
Ito’y ayon kay Sen. Imee Marcos kasunod ng panawagan niya sa legal community na tumayo at manindigang hindi dapat manghimasok ang icc sa mga usaping panloob ng Pilipinas.
Ayon kay Marcos, iniimpluwensyahan at pinopondohan ng mga mayayamang bansa ang ICC, indikasyon na maging ito man ay tadtad din ng mga anomalya at katiwalian.
Kung makikialam aniya ang ICC sa mga usaping panloob ng bansa tulad ng war on drugs, hindi malayong pakialaman na rin nito ang bawat galaw ng pamahalaan hanggang sa tuluyan na itong mabuwag at makontrol ng ibang bansa.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)