Welcome sa Malacañang ang isasagawang paunang review ng International Criminal Court o ICC sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang inireklamo nina Senador Antonio Trillanes IV at Atty. Jude Sabio ang Pangulo sa ICC noong Abril 2017 dahil sa mga paglabag sa karapatang pantao ng kampanya nito kontra iligal na droga.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pagod na ang Pangulo sa mga akusasyong ito ang nasa likod ng crimes against humanity.
Aniya, kumpiyansa ang Pangulo na hindi naman magtatagumpay ang naturang reklamo sa ICC.
Ayon naman kay ICC Prosecutor Fatous Bensuoda, ‘in full independence’ ang kanilang gagawing preliminary examination sa umano’y krimen na nagawa ng gobyerno.
Sa ilalim ng gagawing preliminary examination, titignan ang di umanoy libu – libong pagpatay simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 1, 2016 alinsunod sa kanyang kampanya kontra iligal na droga.
Patrikular na i-re review ay ang pagkakapaslang sa mga gumagamit at nagtutulak ng iligal na droga sa mga isinagawang police operations.
Binigyang diin pa ni Bensuoda, na ang preminary examination ay hindi isang imbestigasyon kundi isang proseso para alamin ang mga impormasyon upang matukoy kung mayroong sapat na batayan para imbestigahan ito ng ICC.
—-