Walang karapatan ang International Criminal Court na manghimasok sa Pilipinas at mag-imbestiga sa war on drugs ng Duterte Administration.
Ito ang binigyang diin ni Senator Ramon “Bong “ Revilla Jr., na tutol siya sa plano ng ICC appeals chamber, na maglabas ng arrest order laban sa ilang mga opisyal o pinuno ng bansa partikular na sina Dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon kay Sen. Revilla, hindi dapat mangialam ang ICC sa kampaniya ng pilipinas kontra iligal na droga dahil nagbunga naman ng katahimikan at kaayusan sa mga kumunidad ang pagsusumikap ng nagdaang administrasyon.
Binigyang diin pa ng mambabatas, na kung nagkasala man ang dating pangulo at si Sen. Dela rosa, dapat silang managot sa batas ng Pilipinas at hindi sa batas ng ibang mga bansa.
Suportado naman ni sen. Revilla, ang naunang pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na handang ipagtanggol ng senado sina Sen. Del rosa at Duterte kung saan, agad silang magbibigay ng proteksiyon sa dalawa.