Nasunog ang isang ice plant sa bahagi ng Shaw Boulevard sa Mandaluyong City Biyernes ng hapon, Oktubre 25.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog 4:25 p.m. sa bahagi ng F. Bernardo St.
Umabot lang sa unang alarma ang sunog at naideklara ring fire out pasado 5 p.m. ng kaparehong araw.
Wala namang naulat na nasaktan sa sunog at inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.