Inamin ng singer na si Ice Seguerra na bukas siyang sa ideyang sumailalim sa sexual reassignment surgery.
Kuwento ni Ice, mahirap aniya ang gumising sa araw araw na makikita niya ang sarili sa katawan ng isang babae.
Sa pag-uusap nila ng asawang si Liza Diño, wala namang pangangailangan ayon kay Liza para saumailalim pa sa operasyon si Ice lalo’t tanggap niya naman ito.
Gayunman, inamin ni Ice na mismong ang sarili niya ay hirap tanggapin ang kanyang kalagayan.
Sa ngayon sinabi ng dating child star na sumasailalim siya ngayon sa hormone replacement para kahit papaano ay mabago ang kanyang boses.
—-