Inilabas na ng Independent International Commission of Investigation into Human Rights Violations in the Philippines (ICHRP) ang ikalawang report nito hinggil sa mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Duterte administration.
Kasunod na rin ito ng unang bahagi ng report na inilabas ng grupo noong Marso kung saan inilatag ang anila’y lumalala pang sitwasyon ng patuloy na paglabag sa mga karapatang pantao sa Pilipinas.
Dahil dito, ipinaabot ni Peter Murphy, Chairperson ng Core Group ng Investigate PH ang panawagan sa administrasyon na makipag tulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) at panagutin ang Pilipinas kapag sumuway sa kautusan ng tribunal na imbestigasyon sa Drug War Campaign ng gobyerno.
Sa ikalawang report ng Investigate PH, sinuri nito ang human rights violations sa Pilipinas na anito’y kagagawan ng state agents dahil sa security policies ng Duterte Administration.
Pinagtuunan ni dating Australian Senator Lee Rhiannon ang presentation niya sa tinawag nilang War On Poor People na itinatago sa kampanya ng gobyerno na War On Drugs na tinagurian namang War On The Moral People ni Atty. Suzanne Adely, pangulo ng National Lawyers Guild ng Amerika sa paglalatag niya ng ebidensya hinggil dito.
Tila nagsagawa pa ng flashback si Rhiannon sa pagsisimula ng Drug War Campaign ng Pangulong Rodrigo Duterte simula nang mailuklok ito sa Malakanyang kung saan bahagi ng ebidensya ng grupo ang pagpatay sa mga biktima sa kanilang mga bahay, sa kalye at iba ay matapos dukutin.
Iginiit ni Rhiannon na panahon na para itigil ang aniya’y giant killing machine ng gobyerno ng Pilipinas.