Planong palitan ng Miss Universe organization ang iconic host na si Steve Harvey sa bagong edisyon ng Miss Universe 2023.
Ito’y kasunod ng pagtatapos ng exclusive contract ng pageant brand sa Fox company maging ang naturang host kung saan, plano nang gawing babae ang susunod na magiging host sa Miss Universe.
Bukod pa dito, inanunsiyo din ng organisasyon ang paglipat ng tv broadcast channel ng Miss Universe na ilalatag na via online streaming.
Sa kabila nito, ilang fans naman ang humiling sa thai owner at business woman na si anne jakkaphong jakrajutatip na huwag alisin si steve bilang regular host ng pageant dahil nakilala na ito bilang “most popular host” sa loob ng limang taon.
Matatandaang taong 2015 nang magviral si steve matapos ianunsiyo at koronahan si miss Colombia Ariadna Gutiérrez bilang Miss Universe sa halip na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.